TULONG | DSWD, bumuo na ng team para mabilis ang ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Urduja

Manila, Philippines – Bumuo na ng mga team ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa region 8 para mapabilis pa ang assessment sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Urduja.

Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco , sa pamamagitan daw nito hindi mahirap ang pag-validate ng mga data na ipinapadala ng mga Local Government Units (LGU) at ma- prioritize ang mga lugar na mabigyan ng agarang tulong.

Aniya ang mga teams ay ide-deploy sa iba’t-ibang lalawigan ng region 8 kabilang ang Leyte, Biliran, Eastern Samar, Samar, at Northern Samar.


Tiniyak din ng DSWD na may sapat ng family food packs na naka preposition sa mga warehouses nito sa Dumanjug, Madredejos, Pilar, Poro, Tabogon, San Francisco, at Toledo, Cebu sa region 7.

Maging ang DSWD sa region 5 ay nagpadala na rin ng family foods packs sa mga local government units sa rehiyon.

Kaugnay nito magpapatuloy ang DSWD katuwang ang mga field offices nito sa kanilang relief operations partikular sa Bicol Region, Eastern at Western Visayas, maging sa Northeastern part ng Mindanao.

Facebook Comments