TULONG | DSWD, minamadali na ang assessment sa mga apektado ng Ompong

Nagpapatuloy ang ginagawang assessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para madetermina ang lubhang kinakailangan na ayuda sa mga lugar na apektado ni bagyong Ompong.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga apektadong Local Government Units (LGUs) para sa paglilista, profiling at initial assessment ng mga pamilya na nawalan ng tahanan at nanatili sa mga evacuation centers.

Pinatitiyak din ni Orogo na ang mga pook likasan sa Luzon ay tumutugon sa pangangailangan ng mga bata at kababaihan.


Abot na sa mahigit walong milyong piso na ang tulong na ipinalabas ng DSWD.

Nakadagdag naman ang naibigay na P1,051,985.00 ng mga LGUs at P76,950.00 na galing sa mga Non-Government Organizations (NGOs).

Facebook Comments