TULONG | Gabriela partylist, naglunsad ng Dengvaxia watch at hotline

Manila, Philippines – Naglunsad ng Dengvaxia watch at hotline ang Gabriela Partylist.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, layon nitong matulungan ang mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na nahihirapang lumapit sa pamahalaan.

Aniya, maaaring tumawag sa 353 50 77 ang mga magulang o mag text sa mga numerong 09770-627-47-55 at 0908-365-33-66.


Pwede rin silang mag email sa dengvaxia@gmail.com <DENGVAXIA@GMAIL.COM> o magpadala ng message sa kanilang Facebook page na Dengvaxia watch.

Facebook Comments