TULONG | Halos 180 OFW na naapektuhan ng Xiamen plane incident, nabigyan ng financial assistance

Manila, Philippines – Aabot na sa 179 OFW na na-stranded at naapektuhan ng Xiamen plane incident sa NAIA ang nabigyan ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, bawat stranded na OFW ay nakatanggap ng ₱5,000 galing sa Assistance to Nationals (ATN) fund.

Dumagsa ang mga OFW matapos i-anunsyo ng DFA ang DOLE-out.


Ang mga OFW naman na nakaalis ng na ng bansa ay maaring makuha ang DOLE-out sa pamamagitan ng pagtungo sa Philippine Embassy o Consulate General.

Dapat lamang iprisinta ang pasaporte, original at reissued tickets, certificates of employment at overseas employment certificates.

Ang paglalabas ng cash assistance sa mga apektadong OFW sa NAIA Terminals 1, 2 at 3 hanggang ngayong araw habang magtatagal hanggang August 31 sa DFA home office sa Pasay City.

Facebook Comments