Manila, Philippines – Halos 90 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nabigyan na ng financial assistance ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Spokesperson Elmer Cato, nasa 86 OFW ang nagtungo sa kanilang tanggapan para tanggapin ang tig-limang libong financial assistance.
Maaari naman aniyang makuha ng ibang na-stranded na OFW pero nakaalis na ang kanilang ayuda sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas.
Kailangan lang ipakita ng mga OFW ang kanilang passport, original at re-issued ticket, certificate of employment, overseas employment certificate.
Facebook Comments