TULONG | Korean embassy, nagbigay ng P10-M ayuda sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon

Manila, Philippines – Nagkaloob ang Korean Embassy ng P10 million ($200,000) bilang ayuda sa libo-libong pamilyang inilikas bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.

Mismong si PRC Chairman Richard Gordon ang tumanggap ng donasyon mula kay Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, Minister Counselor Kyun Jongho, at Chief Economist Mabellene Reynaldo.

Taos puso naman ang pasasalamat ng Red Cross sa embahada ng Korea dahil malaking tulong sa pagbangon ng ating mga kababayan sa Albay ang nasabing financial assistance.


Ayon sa PRC ilalaan ang P10M sa emergency relief tulad ng hygiene kits, clean potable water at pagtatayo ng mga palikuran sa ibat ibang evacuation centers.

Nuong isang taon, nagbigay din ng P5M humanitarian assistance ang Korean Embassy para naman sa mga naapektuhan ng gyera sa Marawi.

Facebook Comments