TULONG | Mahigit 1-M miyembro ng SSS na sinalanta ni Ompong, inaasahang mag-avail ng calamity assistance

Naglaan na ng P1.61 billion na pondo ang Social Security System (SSS) para sa mga sinalanta ng bagyong Ompong sa nakalipas na buwan.

Ang pautang ay makukuha sa ilalim ng calamity assistance program at mahigit isang milyong active members at pensioners ang inaasahang makapag-avail nito.

Ayon kay SSS President at CEO Emmanuel Dooc, sinimulan ng SSS ang pagbibigay ng calamity loan nitong Oktubre, tulad ng advance three-month pension at direct house repair at improvement loan.


Ang mga qualified members para sa nabanggit na mga pautang ay yaong may home address o lupain na nasalanta ng kalamidad sa mga lugar na naideklarang calamity-stricken areas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang dito ang mga lugar ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Facebook Comments