Pasay City – Nabigyan ng financial assistance ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 1,030 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng pagka-antala ng mga flights kaugnay nang pagsadsad ng Xiamen airlines kamakailan sa runway ng NAIA.
Ayon sa DFA umabot sa P5.25-M ang kabuuang tulong pinansyal ang naibigay nila sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Kasunod nito payo ng ahensya sa mga OFWs na naapektuhan ng flight cancellation at hindi pa nakakakuha ng nasabing financial assistance ay magtungo lamang sa office of migrant workers affairs na matatagpuan sa DFA building Pasay City para makuha ang kanilang P5000.
Itinakda naman sa August 31 ang deadline para sa pagkuha ng limang libong piso.
Samantala, sa mga OFWs naka-alis na ng bansa pero naapektuhan ng pagka-antala ng byahe ay maaari paring i-claim ang kanilang P5000 financial assistance sa mga embahada at konsulada hanggang September 30.
Kinakailangan lamang dalhin ng mga ito ang kanilang airline ticket na nagpapakita ng original date of departure, reissued ticket na nakasaad ang new date of departure, employment contract at overseas employment certificate.