Aklan – Aabot na sa mahigit limang milyong residente na apektado ng pagsasara ng Boracay ang nakikinabang ngayon sa cash for work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nakadalawang payout na ang ahensya para sa unang batch ng cash for work beneficiaries sa Barangay Manoc-Manoc.
Kabilang sa mga benepisaryo, tulad ng mga kalalakihan at kababaihan na nawalan ng hanapbuhay ay pinaglinis sa mga wetlands, coastal areas, at sa mga debris na iniwan ng isinagawang demolition.
Binigyan naman ng personal protective equipment ang mga CFW workers bilang proteksyon sa hazardous environment ng Boracay.
Ang sahod sa ilalim ng CFW ay ibinibigay ng tatlong hulugan tuwing pagkatapos ng sampung araw ng pagtatrabaho.
Sa ikatlong buwan magmula nang isara ang operasyon ng negosyo sa sa Boracay, patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga kaukulang ahensya para ayudahan ang mga apektado ng Boracay closure.