Umapela ang Malacañang sa publiko na habaan ang kanilang pasensya sa paghihintay ng ayuda mula sa pamahalaan.
Partikular na tinutukoy nito ay ang mga residenteng naaapektuhan ng bagyong Ompong kung saan inilabas ng Malacañang ang pahayag sa harap ng pananalanta ng bagyong Ompong sa malaking bahagi ng Luzon.
Inamin ng Malacañang na posibleng ang mga maghahatid ng tulong ay maari rin maging biktima ng masamang panahon.
Tiniyak naman ng Malacañang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mabilis na makarating ang tulong na kakailanganin ng mga tinataaan ng hagupit ng bagyo.
Sa katunayan ay may naipadala nang tulong ang pamahalaan sa mga nahagip ng bagyo gaya sa Batanes kung saan nakarating na daw dito ang mga relief goods.
Facebook Comments