Wednesday, March 25, 2026

TULONG MEDIKAL AT PINANSYAL, SINIGURO SA 168 DAGUPEÑO SA ILALIM NG ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATION

Makatatanggap ng tulong ang 168 residente ng Dagupan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) matapos silang sumailalim sa assessment noong Marso 24, 2026.

Ayon sa ulat, sinisiguro ng assessment na agarang maibigay ang kinakailangang ayuda sa mga indibidwal na nasa krisis.

Kabilang sa mga serbisyong maaaring matanggap ang tulong medikal, pinansyal para sa pagpapaospital, at iba pang assistance para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ito ay alinsunod sa pagpapaigting ng lungsod sa kampanya sa mental health awareness.

Pinangunahan ang isinagawang proseso ng City Health Office (CHO), katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments