TULONG | Mga biktima ng Cebu landslide binigyan ng trabaho

Mahigit 300 biktima nang pagguho ng lupa sa Naga City, Cebu ang nag-umpisa nang magtrabaho sa itinalagang evacuation center, kasabay ng pagsisimula ng Emergency Employment Program (EEP) ng Labor Department sa Region 7.

Ayon kay Regional Director Johnson Cañete, na binigyan ng trabaho na katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng siyudad ay nagsagawa ng profile sa 357 manggagawa.

Ginanap ang profiling sa siyam na evacuation center sa Naga Central Elementary School; Enan Chiong Activity Center; Naalad Elementary School; APO Cemex Covered Court; Naga National High School; Colon Elementary School; Cepoc Elementary School; San Fernando Covered Court at Langtad Elementary School.


Karamihan sa mga manggagawang binigyan ng profile ay mula sa Barangay Tinaan at Naalad, nagsimula nang magtrabaho. Noong Oktubre 8 at ang general service office ng Naga City ang pangunahing nangangasiwa ng kanilang araw-araw gawain.

Paliwanag ni Cañete na ang bawat benepisaryo ay babayaran ng P386 kada araw sa loob ng isang buwan, na siyang panahon na itatagal ng emergency employment.

Facebook Comments