Manila, Philippines – Magkakaloob ang Department of Trade and Industry ng training program sa mga magsasaka at manggagawa na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Mayon.
Sinabi ni DTI Albay Provincial Director Leah Pagao, sa ilalim ng “Alternative Income Opportunities” project, magbibigay ng tulong ang kagawaran sa mga evacuees, higit sa mga magsasaka at mga manggagawa na naapektuhan ang kabuhayan, upang may pagkunan ng pandagdag sa kanilang kita kahit malayo sila sa kanilang bukid at tahanan.
Ang DTI ay patuloy na nagkakaloob ng pagsasanay sa mga evacuation centers, kabilang dito ang skills training sa coco-coir at abaca twining para sa mga bakwit na lumikas mula sa barangay Quirangay.
Facebook Comments