Inanunsyo ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na magpapalabas ang ahensya ng P113-M assistance para mapaunlad ang kabuhayan ng poultry at livestock farmer sa Davao.
Ayon kay Piñol ang mga backyard hog raisers ay maari nang magkaroon ng sariling feed mill habang ang mga poultry raisers ay bibigyan ng mga pasilidad para iproseso mga dumi ng manukan para gawing organic fertilizers.
Magkakaloob din si Piñol ng P100 million loan para sa pagtatayo ng broiler at layer hatchery facility para sa poultry sector.
Nasa P10 million financial assistance naman ang ibibigay sa backyard hog raisers para sa pagtatayo ng feed mill facility.
Ang mga loan funds ay mapapasakamay ng Davao poultry at livestock farmers sa unang hati ng 2019 sa ilalim ng agricultural credit policy council.