Tulong mula sa DSWD, hindi pa rin nakakarating sa Bohol

79

Hindi pa nakakarating sa Bohol ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Gov. Arthur Yap, tinatayang nasa 35,000 na relief goods ang inaasahang dumating ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakakarating sa probinsya.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang local government unit sa DSWD para maihatid ang ayuda dahil maraming residente pa rin ang walang makain at mainom na malinis na tubig.


Nabatid na hanggang sa ngayong ay wala pa ring kuryente sa buong lalawigan.

Sa ngayon ay umakyat na sa 94 ang bilang ng nasawi sa Bohol at posibleng madagdagan pa ito dahil nasa 18 indibidwal pa ang nawawala.

Facebook Comments