Manila, Philippines – Limitado lang sa ‘technical support’ ang tulong na ibinibigay ngayon ng tropa ng Estados Unidos sa gobyerno sa harap pa rin ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Una rito, kinumpirma ng U.S. Embassy na tumutulong na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang special operation forces ng Amerika, alinsunod sa napagkasunduan ng dalawang gobyerno bilang magkaalyadong bansa.
Pero sa press briefing kahapon, nilinaw ni AFP 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera na limitado sa techical support ang tulong at hindi nakikipagbakbakan sa Marawi ang mga sundalong amerikano.
Samantala, umabot na sa 58 ang nalagas sa panig ng militar kabilang ang 13 sundalo mula sa Philippine Marines na nasawi sa pinakahuling engkwentro sa Marawi habang higit 100 sa panig ng maute group at 20 sa sibilyan.
Bineberipika na rin ng AFP ang ulat na napatay na rin sa operasyon ang magkapatid na Omar at Madhe Maute.
DZXL558