Marawi City, Philippines – Nakahanda raw ang US Navy na magbigay pa ng mga kakailanganing tulong sa harap nang patuloy na gulo sa Marawi City.
Ito ang sinabi ni Navy Chief Vice Adm. Ronald Joseph Mercado matapos na tumungo sa headquarters ng Philippine Navy si US Pacific fleet commander Admiral Scott Swift .
Sa kanilang pag-uusap, sinabi raw ni Admiral swift na anuman ang hilingin ng bansa sa US Navy ay kanila itong pagbibigyan.
Ito ay dahil sa nangako silang susuporta sa anti-terrorist action ng AFP laban sa Maute Terror Group.
Kaugnay nito, nagpaabot din daw pakikiramay si Admiral swift dahil sa pagkamatay ng mga sundalong nakikipagbakbakan sa mga kalaban sa Marawi City.
Nag-alok din daw ng pagsasanay si admiral swift para sa mga miyembro ng Philippine Navy partikular ang pagsasanay gamit ang kanilang mga barkong pandigma.
Sa ngayon, inamin ng militar na may ayuda na ang estados Unidos partikular ang technical support sa pagpupursigeng maubos na ang mga miyembro ng Maute Terror Group sa Marawi City.
DZXL558