Tulong na livelihood program para sa mga OFW, malaking bagay; 125K nakaabang na sa mga uuwing OFW mamaya – DMW

Binigyang diin ng Department of Migrant Workers (DMW) na malaki ang magiging ambag ng livelihood program para sa mga Overseas Filipino Workers na gusto na lamang mamalagi sa Pilipinas.

Ayon kay Migrant Workers Officer in Charge, Hans Leo Cacdac, ang mga pangkabuhayan na inaalok nila sa mga OFW ay maaring maging simula para sa hanapbuhay ng mga ito dito sa bansa.

Aniya, maganda umanong programa ito ng pamahalaan dahil hindi lang 125,000 ang maaari nilang matanggap may iba ring inaalok ang gobyerno gaya na lamang ng technical vocation o ‘yung kagustuhan ng mga OFW na makapagsanay pa upang makahanap ng magandang trabaho rito sa Pilipinas.


Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang session para sa mga OFW na gusto pang madagdagan ang kaalalaman sa iba pang sektor ng trabaho sa bansa na maaari nilang pagkakitaan lalo na ‘yung mga Pinoy na wala ng balak pang bumalik sa ibang bansa.

Facebook Comments