Tulong na naipagkaloob ng DA sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño, umakyat na sa ₱2.36 – B

Umabot na sa Php2.37B na halaga ng tulong ang naipa-abot ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.

Php1.26-B dito ay financial assistance, habang ang ibang halaga naman ay sa anyo ng mga farm inputs na ipinamahagi.

Sinabi rin ng DA na nagpapatuloy din ang cloud seeding operations.


Sa huling datos ng DA, umaabot na sa 6.35 billion pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño at nasa mahigit 121 libo na mga magsasaka na ang apektado ang kabuhayan.

Nasa 111,702 hectares na pananim ang nasira kung saan 280,034 MT ang kabuuang volume loss.

Facebook Comments