Tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng sama ng panahon, nasa halos P70-M na

Umabot na sa halos P70-M ang tulong na naipaabot ng gobyerno sa mga naapektuhan ng pinagsamang shearline at Low Pressure Area (LPA) sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) may kabuuang P67.8-M ang naibigay na tulong partikular sa apat na rehiyon ng Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) Regions 5,6 at 8.

Kinabibilangan ito ng family food packs, hygiene kits, family kits at malinis na inuming tubig.


Samantala, umakyat pa sa 1.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa Cavite, Laguna, Batanggas, Rizal, Quezon (CALABARZON), MIMAROPA, Regions 5,6, 8, 10 at Caraga.

Sa nasabing bilang, 48,925 katao o 17,786 pamilya ang nanatili sa 167 evacuation centers.

Nananatili naman sa dalawa ang iniulat na namatay mula sa Region 8, isa ang sugatan at isa ang nawawala mula naman sa Region 5.

Facebook Comments