Tulong na nalikom ng Kamara para sa mga biktima ng Bagyong Paeng, nasa halos P50 million na

Umaabot na sa P49.2 million ang nalikom ng Mababang Kapulungan na halaga ng donasyon at pangakong tulong sa nagpapatuloy na relief drive para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.

Ang naturang hakbang ay pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez, katuwang ang kanyang maybahay na si House Committee on Accounts Chairperson at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, at si House Committee on Appropriations Chairman, at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Mayroon ding mga empleyado ng Kamara ang nag-donate ng used clothes at ilang importanteng items para maidagdag sa tulong sa mga sinalanta ng bagyo.


Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni Speaker Romualdez sa mga nagbigay ng tulong, gayundin sa mga staff ng kanyang tanggapan at ng Kamara na patuloy na tumutulong sa sorting at repacking ng mga relief good para sa mga typhoon victim.

Ilan sa mga relief good ay naipadala na sa typhoon victims sa Cavite at Laguna at marami pa ang ipapadala sa iba pang mga lugar sa bansa na hinagupit ng kalamidad.

Tiniyak ni Romualdez na patuloy nilang gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments