TULONG | Naulilang pamilya ng OFW na si Demafelis, pinagkalooban ng libreng scholarship training

Manila, Philippines – Pinagkalooban ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng tulong ang limang naulilang miyembro ng pamilya ni Joanna Demafelis, ang pinatay na overseas Filipino worker Kuwait Ito ay kasunod na ipag-utos nina Pangulong Rodrigo Duterte at TESDA Director General Gene Mamondiong na tulungan at pagkalooban ng libreng scholarship training ang pamilya ng pinatay na OFW. Ang training scholarship assistance package ay kinabibilangan ng free skills training, free competency assessment, free entrepreneurship training, training support fund at starter toolkits. Matatandaan nang bumisita si Pangulong Duterte sa lamay ni Demafelis noong Pebrero 23, inatasan nito ang TESDA na makipagkoordinasyon sa pamilya ng yumaong OFW para bigyan sila training assistance.

Facebook Comments