Nagkaloob ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay ng P100,000 cash assistance sa naulilang pamilya ni Intelligence Chief ng Pasay City Police Station na si Senior Inspector Manuel Taytayon.
Si Taytayon ay napatay matapos makipagbarilan sa kanilang tropa ang suspek na si Narc Delemios.
Si Narc Delemios ay ang suspek sa pagpatay sa isang Grab driver noong nakaraang taon.
Maliban sa tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan na rin ng Pasay ang siyang sasagot sa pagpapalibing sa nasawing alagad ng batas.
Kahapon, personal na nakiramay sa naulilang pamilya at kaanak ni Taytayon si PNP Chief Director General Oscar Albayalde at NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar at ilang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ginawaran din ito ng medalya ng kagalingan.
Sinabi ni General Albayalde na posible ding pagkalooban nila ng Posthumous award si Taytayon na namatay habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.