Tulong ng AFP kinailangan ng PNP sa pagpapatupad ng ECQ

Aminado si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Franciso Gamboa na dahil sa dumaraming bilang ng mga lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay hindi na kinakaya ng PNP ang pagdidisiplina sa mga ito.

Kaya naman aniya mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagdesisyon magdeploy na rin ng mga sundalo sa mga pampublikong lugar na dagsa pa rin ang tao kahit may umiiral na ECQ.

Pero mananatili pa rin aniyang mamaanduhan ng Regional Director ng NCRPO na si Major General Debold Sinas ang pagkontrol sa deployment ng pwersa sa buong NCR.


Inihayag naman ni PNP Chief na ang matinding challenge nila sa pagdidisiplina ay mga residente sa Southern part ng Metro Manila dahil sa napakaraming mga curfew at ECQ violators.

Kaya naman simula kahapon mas naghigpit na ang PNP sa pagpapatupad ng ECQ batay na rin sa Bayanihan Act.

Ibigsabihin aniya nito wala nang magiging warning sa mga ECQ violator dahil agad silang aarestuhin at sasailalim sa inquest procedure bilang paglabag sa RA 11469, 11332 at Article 151 ng Revised Penal Code.

Batay sa huling ulat ng PNP umaabot na sa 136,000 ECQ violators nationwide ang kanilang nahuli.

Facebook Comments