Tulong ng Canada para sa maritime security at kaligtasan ng rehiyon, kinilala ng ASEAN

Kinikilala ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ang tungkulin ng Canada para sa pag-promote ng maritime security at kaligtasan sa rehiyon sa ilalim ng Indo-Pacific Strategy na inilunsad noong nakaraang taon.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang intervention sa ASEAN Canada summit sa Jakarta Convention Center kahapon kung saan personal na dumalo mismo si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Ayon sa pangulo, bukas ang ASEAN sa inisyatibo ng Canada sa ilalim ng Indo Pacific Strategy katulad ng pagsasanay sa mga border patrols, pagtututok sa krimen at terorismo at military to military capacity building.


Sinabi naman ng pangulo kay Prime Minister Trudeau na welcome sa ASEAN ang patuloy na engagement ng Canada sa pamamagitan ng capacity-building programs, specialized and skill-based training para malabanan ang traditional at emerging threats.

Samantala, kahapon rin ay nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Prime Minister Trudeau at inimbitahan ng Prime Minister ang pangulo na bumisita sa Canada sa susunod na taon.

Facebook Comments