Tulong ng DA sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Karding, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang pondong inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa ipagkakaloob na assistance sa agri-fisheries sector na nalugi dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding.

Inanunsyo ng DA na umakyat na sa ₱709 million ang halaga ng assistance at interventions na maaring maibigay sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Naglaan ang kagawaran ng ₱170.34-M para sa pamamahagi ng binhi ng palay.


₱23.16-M naman para sa mga buto ng mais at ₱13.55-M para sa sari-saring buto ng gulay.

Magpapamahagi rin ang ahensya ng ₱2.45-M para sa mga gamot at biologic para sa mga baka at manok, fingerlings at asiste mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Makakapag-avail din ang mga magsasaka at mangingisda ng hanggang ₱25 thousand na pautang na walang interes at babayaran ng tatlong taon sa pamamagitan ng Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Maliban sa ₱500 milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Umakyat na sa P2.95 billion ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng Bagyong Karding.

Sumasakop ito sa 164,217 hectares ng lupang sakahan sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas.

Facebook Comments