Tulong ng DSWD sa mga LGU na maaapektuhan ng Bagyong Odette, plantsado na

Nakalatag na ang lahat ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang lugar na maaapektuhan ng Bagyong Odette.

Sa ulat ng DSWD, nakahanda na ito na magbigay ng technical assistance at resource augmentation support sa mga Local Government Unit (LGU) sa Regions 5, 6, 7 at 8 na posibleng tatamaan ng bagyo.

Ayon sa DSWD, mahigit 3,000 food packs ang inihanda ng DSWD sa Bago City, Negros Occidental, mahigit 1,000 sa Dumarao, Capiz, at higit 2,000 sa Banga, Aklan.


Sa Bicol Region, higit 27,000 family food packs ang available na sa kanilang warehouses at standby funds na higit ₱5 million.

Pagtiyak pa ng ahensiya na may sapat pang stockpiles at standby funds ang DSWD Central Office, field offices at National Resource Operations Center na aabot sa higit ₱930 million.

Facebook Comments