Tiwala si Senator Risa Hontiveros sa kakayahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na masiguradong may tulong na maaasahan ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na nasa gitna ng krisis sa Ukraine.
Kaugnay nito ay nanawagan din si Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU).
Ito aniya ay upang maihanda ang karampatang suporta para sa mga Ukraine OFW na babalik sa Pilipinas.
Sinabi ni Hontiveros na bukod sa kaligtasan nila mula sa panganib ay tiyak na pangunahing pangamba rin nila ang kanilang hanapbuhay.
Ayon kay Hontiveros, malaki ang maitutulong ng welfare fund upang magsilbing pantawid-kita habang naghahanap ng trabaho at dagdag pagkakakitaan.