Friday, January 16, 2026

Tulong ng ibang bansa at mga pribadong sektor, hiniling ng DOTr para mapaganda ang transport system sa bansa

Nanawagan ang Department of Transportation o DOTr sa ibang bansa at mga pribadong sektor na tulungan ang Pilipinas para mapaganda ang transport system sa bansa.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na magtayo ng moderno, progresibo, at komportableng transport system para sa lahat ng Pilipino.

Sa isinagawang market sounding activity para sa North-South Commuter Railway (NSCR) Project sa Singapore, sinabi ni Secretary Dizon na nais ng Pangulong Marcos na nais niyang bumawi sa mga commuter na araw-araw na nahihirapan sa pagbiyahe.

Sa tulong ng ibang bansa at multilateral partners gaya ng Asian Development Bank (ADB) maging ng InfraAsia naniniwala ang kalihim na makakagawa sila ng public transportation model na kapareho sa mga progresibong mga bansa.

Para maisakatuparan naman ang hangarin ng gobyerno, hiniling na nila ang tulong ng mga pribadng sektor para isapribado ang operasyon at maintenance ng NSCR project sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) arrangement.

Facebook Comments