Tulong ng ilang ahensya ng gobyerno at LGU sa mga naapektuhan ng pag-putok ng Bulkang Taal umabot na sa mahigit 80-M

Mahigit 80 milyong pisong halaga ng mga food at non-food items ang naitulong na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Nadagdagan pa ito kung ikukumpara sa mga nakalipas na araw batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC).

Sa ulat ng NDRRMC, kahit pinayagan nang makauwi ang mga evacuees sa kanilang bahay at ibinibaba na sa  alert level 3 ang pagaalburuto ng Bulkang Taal.


Dumadami pa rin ang mga bilang ng apektakdo ng pagputok ng Bulkang Taal na ngayon ay umabot na sa mahigit 396,000 individuals o mahigit 104,000 families.

Sa bilang na ito ay mahigit 135,000 individuals ang nanatili pa rin sa 535 evacuation centers.

Tiniyak naman ng NDRRMC na patuloy silang nakatutok sa sitwasyon sa batangas para patuloy na mabigyang ayuda ang  pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Facebook Comments