Tulong ng independent international experts, dapat hingin para mapag-aralan ang hirit na ibalik ang dengvaxia

Para kay Senator Win Gatchalian, makakabuting hingin ang tulong ng independent international experts para madetermina kung makakabuti sa bansa ang muling pagbabakuna sa dengvaxia.

Pahayag ito ni Gatchalian sa harap ng hirit na ibalik muli ang dengvaxia bilang tugon sa patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng mga nagkakasakit ng dengue.

Aminado si Gatchalian na tutol sya sa dengvaxia dahil hindi ito noon napag-aralang mabuti at basta na lang ibinigay sa napakaraming bata kahit sa mga hindi naman dapat bakunahan nito.


At ngayong nahaharap ang bansa sa matinding problema sa dengue ay iginiit ni Gatchalian na dapat maging masusi at mahigpit ang pag-aaral na gagawin ukol sa dengvaxia upang hindi na maulit ang mga pagkakamaling nangyari.

Facebook Comments