Tulong ng JICA sa pamahalaan, malaki ang magandang epekto sa paghahatid ng impormasyoon sa publiko ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Nagpasalamat si Presidential Communications Secretary Martin Andnar sa tulong na ibinigay ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Nag-donate kasi ang JICA ng 17 Milyong pisong halaga ng kagamitan para magamit ng Government TV Networks.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, dahil sa donasyon ay lalong mapagbubuti ang serbisyo ng Government TV Stations sa pamamagitan ng pagpapaganda ng mga equipment nito para mas epektibong maihatid sa mamamayan ang mga impormasyon mula sa Pamahalaan.


Ipinagmalaki din ni Andanar na bukod sa pasilidad ay pinagaganda din nila ang kalidad ng mga programa at pagbabalita.

Matatandaan na isa ito sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address, ang palakasin ang Government Networks para sa information dissemination.

Facebook Comments