Tulong ng mga economic managers, hinihingi para sa Marawi rehabilitation

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Ben Evardone sa mga economic managers ng gobyerno na hingiin ang tulong ng mga negosyante para matustusan ang reconstruction sa Marawi City.

Payo ni Evardone, ito ang magandang pagkakataon para makahingi ng tulong at maitulak ng Bureau of Treasury ang 50 Billion `Marawi Bond` na kakailanganin sa pagbangon ng lugar.

Aniya, dapat samantalahin ng pamahalaan ang umaapaw na simpatya mula sa mga investors at mga negosyante para makalikom ng tulong habang mababa pa ang interest rates ngayon sa merkado.


Sa ganitong paraan ay makakatulong ito para mailaan sa ibang programa at proyekto ang dapat na budget ng gobyerno sa Marawi rehabilitation at reconstruction.

Maaari pa aniyang mailaan ang ibang pondo ng pamahalaan sa ibang mga social at infrastructure projects sa ibang bahagi naman ng bansa.

Facebook Comments