Humingi ng tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga local governments sa SOCCSKSARGEN para mailipat ang mga pamilyang nakatira sa danger zones.
Ito ay kasunod nang naganap na 6.8 magnitude na lindol ng nakaraang linggo.
Ayon sa pangulo, kung may relokasyon ang mga LGU kailangan makipagtulungan sa national government.
Makikipagtulungan naman ayon sa pangulo ang National Housing Authority (NHA), dahil may emergency fund ito para sa pwedeng gawing relokasyon at maging pagkukumpuni ng mga nasirang bahay.
Batay sa ulat ng Sarangani local officials, na halos lahat ng mga apektadong pamilya ay nakatira sa shoreline.
Inirekomenda rin ng mga eksperto at mga opisyal na maging ang mga nakatira sa mga bahay na nasa paanan ng active landslide areas ay kailangang i-relocate.
Batay sa datos ng gobyerno, mayroong 441 totally damaged ng mga bahay sa Sarangani, 122 sa South Cotabato, at 13 sa General Santos City.