TULONG NG MGA LGU PARA SA MGA SMALL AND MEDIUM ENTERPRISES, IPINANAWAGAN NG DTI REGION 1

Nanawagan ngayon si Department of Trade and Industry Region 1 Director Grace Baluyan sa mga lokal na pamahalaan ng apat na probinsya sa rehiyon na tulungan ang mga negosyong kabilang sa small and medium enterprises na apektado din ng nagdaang bagyo.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Director Baluyan, sinabi nitong maraming mga apektadong maliliit na negosyo na nanawagan din ng tulong sa kanilang ahensiya na dapat ay pagtuunang pansin. Bagat mayroon namang tulong ang DTI Region 1 sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program o DTI – PPG para sa mga SMEs, ay hindi pa rin umano ito sasapat dahil sa limitadong pondo.
Kaya naman nanawagan ang direktor sa mga LGU sa rehiyon na sana’y isama nila ang SMEs sa kanilang recovery program at tularan ang provincial government ng Ilocos Sur na kamakailan ay nagpasa ng isang resolusyon na mag-bibigay ng nasa 16.6 milyong piso na financial assistance sa mga apektadong negosyo sa probinsya. Tinatayang mababahagian ng nasa tig-lilimang libo ang mga apektadong negosyante sa nasabing probinsiya.

Sa ngayon deklarado na ang state of calamity sa mga probinsiya ng Ilocos Norte at Ilocos Sur. Samantalang dalawang lugar sa La union at limang lugar naman sa Pangasinan ang nasa state of calamity. |ifmnews
Facebook Comments