Tulong ng mga lokal na pamahalaan, kakailanganin para sa development agenda ayon kay PBBM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga ang tulong at kooperasyon ng mga lokal na pamahalan sa national government para matupad ang development agenda para sa Pilipinas.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos pangunahan ang oathtaking ceremony ng mga bagong halal na opisyales ng Provincial Board Members League of the Philippines sa Malacañang kahapon.

Ayon sa pangulo, kailangang magtulungan ang lahat ng lokal na pamahalaan at national government para malaman ng national government ang sitwasyon sa bawat lokalidad at maging ang mga political rivalries.


Naniniwala ang pangulo na kapag maganda ang partnership ng Local Government Units (LGUs) at national government mas magagamit ng tama ang mga resources na mayroon ang bansa na magbebenepisyo ang lahat ng mga Pilipino.

Dagdag pa ng pangulo, na kahit gaano kaganda ang mga plano para sa mga Pilipino kung hindi ito naipapatupad ay wala itong saysay para sa mga Pilipino.

Kaya, hanggang kaya ayon sa pangulo, ginagawa niyang balanse kung paano mapapanatili ang local government autonomy habang nakikipagtulungan ang mga LGUs sa national government.

Matatandaang una nang nangako ang pangulo sa mga local governments partikular sa mga munisipalidad na tutulungan silang mapaganda ang kanilang performance dahil ipinasa na nang national government ang ilan nilang functions sa mga LGUs resulta ng Mandanas ruling ng Supreme Court.

Pero ilang LGUs ang umaming hindi kaya at hindi napaghandaan ang adoption ng full devolution lalo sa paghawak ng mga big ticket projects.

Facebook Comments