Tulong ng NBI at PNP, dapat hingin ng Senado para mahanap ang magkapatid na Twinkle at Mohit Dargani ng Pharmally

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat hingin ng Senado ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Para ito sa paghahanap sa magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na nagtatago na ngayon kaya bigo ang Senate sergeant-at-arms na sila ay maaresto.

Paliwanag ni Drilon, “flight is evidence of guilt” ibig sabihin ang pagtakas at patatago ay ebidensya ng pagiging guilty.


Kaugnay nito ay binanggit din ni Drilon ang rekomendasyon ng US Congressional Committee na i-contempt ang dating aide ni dating US President Donald Trump na si Steve Bannon dahil sa pagtangging sumunod sa subpoena.

Giit ni Drilon, ganito rin ang basehan ng Senate Blue Ribbon sa pag-contempt sa magkapatid na Dargani.

Diin naman ni Senator Kiko Pangilinan, kapag nagtatago, ibig sabihin ay may tinatago at guilty.

Facebook Comments