Tulong ng pribadong sector sa Marawi City, bumubuhos ayon sa pamahalan

Marawi City, Philippines – Malugod na ibinalita ngayon ng Pamahalaan na marami na ang nagbibigay ng tulong para sa mga residente ng Marawi City na matinding naaapektuhan ng nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Ayon kay Ana Margarita Hontiveros ng Office of the Presidential Adviser on Entrepreneurship, nagsama-sama ang mga malalaking pribadong kumpanya para makapaghatid ng tulong sa mga residente ng Marawi City maging sa mga sundalo na nakikipagbakbakan sa lungsod.

Batay aniya sa kanilang tala ay umabot na sa 16 na toneladang relief goods ang kanilang naipadala sa iligal at mga lugar na malapit sa Marawi City.


Ang mga ipinadala aniya ay mga food packs, tubig at mga gamot pati na mga hygiene kits.

Sinabi pa nito na sa oras na maibalik sa normal ang sitwasyon sa marawi ay makikipag-ugnayan sila sa mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan upang makatulong sa rehabilitation efforts sa lugar.
DZXL558

Facebook Comments