Magpapasaklolo rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pribadong sektor lalo na sa mining industry para sa relief at rescue efforts ng pamahalaan sa nagdaang bagyo.
Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, may malalaking technical equipment ang mga nasa mining industry.
May sapat din aniyang manpower ang industriya ng pagmimina para makapagsagawa ng rescue efforts.
Inilatag ito ng Kalihim kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng ikinakasang response and recovery efforts ng pamahalaan bunsod ng Bagyong Kristine.
Facebook Comments