Manila, Philippines – Inirekomenda ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na hingin na ang tulong ng pribadong sektor para solusyunan ang problema sa pabahay sa bansa.
Aminado si Benitez na hindi kayang resolbahin ng gobyerno ang lumulubha problema sa housing at kung hindi pa ito aaksyunan ay tiyak na mas malala ang magiging problema dito.
Aniya, maraming mga idle lands na maaaring gamitin ng pamahalaan at pribadong sektor para pagtayuan ng housing programs.
Naniniwala ang kongresista na ang abot-kayang pabahay ang cost-effective solution para resolbahin ang housing problems.
Sa kasalukuyan ay may 5,821.57 ektaryang lupain ang bakante sa NCR na maaaring gamitin para sa public-private partnership para sa socialized housing projects ng gobyerno.
Sa nasabing bakanteng ektaryang lupain, mahigit isang libong ektarya dito ay pag-aari ng gobyerno na kasalukuyang inookupahan ng mga informal settlers habang mahigit dalawang libong ektarya naman ay bakante at handa na para sa housing programs.
DZXL558