Manila, Philippines – Umaasa si Senador JV Ejercito na muling lalakas ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang pahayag ni Ejercito ay sa harap ng pagbibigay ng tulong teknikal at logistics ng US troops sa Armed Forces of the Philippines kaugnay sa operasyon sa Marawi City laban sa Maute terror group.
Magugunitang nagkalamat ang US-Philippines ties makaraang palagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpuna noon ni dating US President Barrack Obama sa tumataas na kaso ng patayan sa bansa.
Sa tingin ni Ejercito, may basehan din ang hinanakit ni Pangulong Duterte sa Amerika dahil sa hindi nabibigay ng nararapat para sa ating bansa para tayo ay makatayo sa sarili nating mga paa.
Inihalimbawa ni Ejercito ang mga barkong ibinigay sa atin na wala namang mga armas, at mga supersonic jets na bago nga pero wala naman missiles.
Naniniwala si Ejercito, na dapat ibigay sa atin ng US ang nararapat kung talagang itinuturing tayo nitong mahigpit na kaalyado.
DZXL558