Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang pagpapalawig sa pagbibigay ng fuel discount sa mga pampasaherong sasakyan.
Ito ay bilang tulong sa mga apektadong Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi – sinisilip nila ang posibleng pag-angkat ng mas murang petrolyo mula sa mga kalapit na bansa sa Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim – malaking bahagi ng petrolyo na ginagamit sa bansa ay galing sa ibayong dagat kaya walang magawa ang pamahalaan sa paggalaw nito sa world market.
Nananawagan ang ahensya sa lahat na maging matipid sa konsumo ng gasolina.
Facebook Comments