Magkakaloob na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapalibing sa mga nasawi sa pagguho ng lupa sa Itogon Benguet.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nasa proseso na ang pagbibigay ng financial at burial assistance sa mga namatayang pamilya.
Umarangkada na rin ang stress debriefing sessions na ipinagkakaloob ng DSWD sa mga pamilya at kaanak ng mga nasawi pati na sa mga survivors ng landslide.
Patuloy rin na tinutugunan ng ahensya ang pagbibigay ng family food packs at iba pang non-food items sa mga apektadong pamilya sa Itogon.
Maging sa iba pang evacuation centers sa Regions I, II, III, CALABARZON at Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan nanatili pa ang 26,661 families o 100,457 katao.
Sa kasalukuyan, abot na sa higit ₱21.71 Million ang naipaabot na tulong ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ni bagyong Ompong.