TULONG PANGKABUHAYAN, INIHANDOG SA ILANG DRUG SURRENDEREES SA LA UNION

Nagkaloob ng tulong pangkabuhayan ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa ilang drug surrenderees bilang bahagi ng programa para sa kanilang rehabilitasyon at muling pagbangon sa lipunan.

Ipinamahagi ang kauna-unahang Capital Assistance for Livelihood Projects sa siyam (9) na drug surrenderees mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng Special Drug Education Center (SDEC) sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa rehabilitasyon at sustainable reintegration ng mga dating sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa PGLU, layunin ng programa na bigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na makapagsimula ng marangal na kabuhayan at tuluyang makaiwas sa pagbabalik sa ilegal na gawain.

Facebook Comments