Tulong Pangkabuhayan, Ipinagkaloob sa LGU Bambang

12

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa apatnaraan (400) piraso ng Dekalb brown chicken ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) sa lokal na pamahalaan ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang naturang bilang ay ipapasakamay sa Bambang Integrated Agri-Tourism and Livelihood Site (BIATALS) sa barangay San Antonio at ipapamahagi sa mga mahihirap magsasaka at pamilya sa lugar.


Ito ay hakbang na rin ng Kagawaran ng Agrikultura sa ilalim ng Livestock and Poultry Assistance Program (LPAP) na layong matulungan ang mga maliliit na magsasaka sa Lalawigan para may pang suporta sa kanilang pamilya.

Facebook Comments