TULONG PANGKABUHAYAN PARA SA MGA LOKAL NA MAGSASAKA NG CALASIAO, IPINAMAHAGI NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

CALASIAO, PANGASINAN – Ipinamahagi sa mga magsasaka ng Calasiao ang alagang kambing mula sa Department of Agriculture.

Ang naturang goat dispersal ay sa ilalim naman ng DA’s Special Area para sa Agricultural Development (SAAD) program na nilalayong makapagbigay ng livelihood assistance sa mga lokal na magsasaka nito.

Nilalayon din nitong makapagbigay ng food security at food sustainability sa publiko sa gitna naman ng nararanasang pandemic crisis.


Ayon sa lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng ganitong programa ay magkakaroon naman ng panibagong at dagdag na pagkakakitaan para sa mga ito.

Isa din sa magiging benepisyo nito ay ang pagpapaigting pa ng programang pang agrikultura ng mga magsasaka sa munisipalidad.###

Facebook Comments