Ayon kay Committee on Higher Education Chairman Sen. Joel Villanueva, prerogative ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr., na pumili ng kanyang gabinete.
Pahayag ito ni Villanueva kasunod ng balitang si Presumptive Vice President Sara Duterte ang itatalaga ni Marcos bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Kaugnay nito ay Tiniyak ni Villanueva na handa silang pag-aralan ang magiging programa ng susunod na administrasyon para maiangat ang sistema ng edukasyon at kapakanan ng mga guro.
Tiniyak ni Villanueva ang pagiging bukas sa pagbalangkas ng mga batas at paglalatag ng polisya para sa education sector.
Para kay Villanueva, nasa ating mga guro ang susi ng reporma sa edukasyon at krisis sa karunungan dahil sila ang nagtutulay ng mga estudyante na maging mga manggagawang mag-aambag sa kaunlaran ng bansa.
Bukod dito ay binigyang diin ni Villanueva na malaki rin ang papel ng DepEd sa pagpapatupad ng mga mahalagang mga batas para pagpapahusay ng edukasyon sa bansa.