
Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulong ang ahensiya sa disaster response at recovery, maging sa rehabilitation ng Masbate.
Ang naturang probinsya ang labis na napuruhan ng Bagyong Opong na nanalasa sa bansa.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tiniyak umano ni Pangulong Bongbong Marcos kay Masbate Governor Richard Kho na tutulungan sila ng national government para sa kanilang mga kinakailangang tulong.
Sa pinakahuling datos mula sa DSWD, pumalo na sa 41,893 families o 150,725 individuals mula sa 454 barangay sa Masbate ang direktang naapektuhan ng bagyo at sama ng panahon.
Nasa 7,148 pamilya o katumbas ng 29,394 indibidwal naman ang nananatili sa 292 evacuation centers.
Sa ngayon, on the way na ang 10 truck na may dalang 17,000 boxes ng family food packs (FFPs) mula Pio Duran Port patungong Masbate Province para sa augmentation ng mga naka-preposition na FFPs na ipapamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.









