Tulong para sa mga babae at batang apektado ng bakbakan sa Marawi City, iniatas sa mga housing agency ng gobyerno

124

Manila, Philippines – Inatasan ni Cabinet Secretary Jun Evasco ang lahat ng tanggapan na may kaugnayan s pabahay na gamitin na ang kanilang Gender and Development o GAD budget para matulungan ang mga residente ng Marawi City na matinding naaapektuhan ng kaguluhan.
Batay sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Evasco ay sinabi nito na pinulong niya ang lahat ng tanggapan sa ilalim ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC upang simulant na ang reconstruction efforts ng pamahalaan sa mga bahay na nasira ng bakbakan.
Inatasan ni Evasco ang mga ahensiyang nasa ilalim ng HUDCC na tulungan ang mga babae at batang evacuees gamit ang kanilang GAD budget bilang pagsunod narin sa MAgnacarta of Women o Republic Act number 9710.
Nabatid na ilan lamang sa mga ahensiyang nasa ilalim ng HUDCC ay ang National Housing Authority, Social Housing Finance Corporation, at Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang PAG-IBIG fund.

Facebook Comments