Tulong para sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Benguet, panawagan ng isang kongresista

Nananawagan si Benguet Rep. Eric Yap ng agarang tulong mula national government para sa mga biktima ng paghagupit ng bagyong Egay sa Benguet at sa iba pang lugar sa hilagang bahagi ng bansa.

Umaapela din si Yap ng dagdag pwersa para mapag-ibayo ang isinasagawang disaster rescue and relief at clearing operations.

Nagbahagi pa si Yap sa media ng larawan na nagpapakita ng matinding pinasala ng kalamidad sa kanilang lugar.


Ayon kay Yap, nagdulot ang Bagyong Egay ng matinding pagbaha sa iba’t ibang lugar, kabi-kabila din ang landslides, at maraming bahay at kabuhayan na ang nasira.

Sa pagkakaalam ni Yap ay mayroon ng mga nasawi at nawawala dahil sa bagyo habang umabot na sa milyung-milyong piso ang halaga ng naging pinasala nito sa Benguet.

Nakakalungkot ayon kay Yap na hindi pa sila tuluyang nakakabangon mula sa mga nakalipas na unos, pero muli na naman silang nasapol ng Bagyong Egay kaya siya ay humihiling din ngayon ng panalangin.

Facebook Comments